Sunday, 10 November 2013

Si Yolanda

Maraming beses na tayo nadaanan ng bagyo. Halos hindi na nga natin mabilang kung ilan na sila. Pero bakit ganun sa tuwing may mga malalakas na bagyong darating sa ating bansa,

Kailangan ba talagang may mamatay?

Nakakalungkot sa pakiramdam ang nangyari sa mga tao na nasa Leyte expecially Tacloban City, 
Napakadaming tao ang nasawi at nagdurusa sa mga oras na ito habang sinusulat ko itong blog na to.
Sobrang nakikiramamay ako sa kanila, wala akong magawa kundi magalay lang na isang taimtim na panalangin para sa kanila na sa kabila ng trahedyang ito wag sila manghinaan ng loob at ituloy parin ang buhay na nasimulan nila. 

Nakakakilabot ng makita ko sa balita ang naging itsura ng leyte matapos silang daanan ni Yolanda.
Hindi pa nga nakaka get over ang ilang kababayan natin noong lindol tapos ganito naman agad ang
bumungad satin.

Masasabi ko talagang ang mga pinoy ay napakatapang at napakatatag na pagdating sa mga ganitong unos. Dahil kahit ilang trahedya man ang dumaan sa atin hindi tayo nawawalan ng pagasa na tumayo at ipagpatuloy kung ano man ang dapat ipagpatuloy. 

Click to view
                                          Click to view
Hindi pa Huli ang lahat. Pwede pa tayo magbigay ng tulong sa kanila. Maraming pwedeng lapitan. Kahit ano pa yan basta magagamit ng mga kababayan natin, malaking bagay na sa kanila yun. Nang hindi nila maramdaman na nagiisa sila. kung hindi man tayo makakapag bigay  ng donation ipagdasal nalang natin sila.

Click to view

http://www.rappler.com/nation/43393-survivors-desperate-for-aid-in-typhoon-ravaged-ph



Ganun pa man ang pinoy ay pinoy.. babangon at babangon pa rin yan..
kahit ilang unos pa ang dumating sa buhay niyan..




"Even with all our technology and the inventions that make modern life so much easier than it once was, it takes just one big natural disaster to wipe all that away and remind us that, here on Earth, we're still at the mercy of nature." -Neil DeGrasse Tyson




Y.O.L.O



==================================================

*Pictures are from Google Images