Thursday, 26 June 2014

Promoted 2nd Year Medicine

Isang Linggo na ang lumipas mula nagsimula ang pasukan for school year 2014-2015.
Di ko parin makalimutan yung mga panahong para kang bibitayin dahil sa paghihintay
ng result kung ikaw ba ay promoted to 2nd year na o magreremedial ka.

Sa unang pasukan palang noong 1st year Medstudent ako, Tinatak ko na sa isip ko na
ayoko magremedials syempre mas lalo na bumagsak.

 ► Unang una mahal ang bayad sa remedials,

 ► Pangalawa nakakahiya sa magulang ko na nagpaparal sakin sa mundo ng medisina. To think na dapat nagwowork na nga ako dapat at tumutulong sa mga gastuhin sa bahay, pero heto at pinayagan ako magtuloy ng medisina.

► Pangatlo, Sayang naman kung magreremedials ako, dahil gusto ko sana magipon para sa susunod na pasukan.

► Pang-apat, Mahirap mag remedials, dahil imbis na nagpapakasarap ka at nagbabakasyon, heto ka at nagsusunog parin ng kilay buong summer.

► Panglima, baka di na ko maka enroll sa susunod na pasukan, dahil imbis na ipang eenroll ko yung mga pinang remedials ko, wala na.. kasi nabayad na for remedials.

Hindi ko alam pero feeling ko mas nakakakaba pa yung maghintay ng result for promotion compare sa result ng board exam. Siguro dala na rin ng sobrang mahal kasi ang tuition fee ng Medicine. at Magkano lang naman kasi yung bayad for board. Syempre kasama na din dun yung mga nageexpect sayo na mga kapamilya mo, at ayaw mong madisappoint sila sayo.

Yung moment na yun kasi.

Thanks to ate Doreen Felomino sa pag text sakin ng result na promoted ako for 2nd year :)
at last all my hardship, sleepless nights, lahat lahat ay napawi ng bigla. Akala ko talaga sasabit ako.
Siyempre salamat din sa taas na hindi ako pinabayaan. Alam ko namang ginawa ko yung best ko kaya lahat ng yun ipinaubaya ko nalang sa kanya. Maraming salamat po.

Ngayong 2nd year Proper Medicine Student na ko. Mas Double yung effort dapat.
Mas dapat magsikap. at magaral ng mabuti. Bawal ang petiks.
salamat sa isa pang pagkakataon at ipinapangako ko na hindi ko ito masasayang.
na worth it lahat ng hirap at pagpapakapagod natin lahat.

I will not stop dreaming to become a Doctor.
This is all I want and I will do anything to fulfill this tremedously hardships on
my life. And I know someday you will be proud of me.

soon to be John Conrad Bornillo, MD


Y.O.L.O