Thursday, 26 June 2014

Promoted 2nd Year Medicine

Isang Linggo na ang lumipas mula nagsimula ang pasukan for school year 2014-2015.
Di ko parin makalimutan yung mga panahong para kang bibitayin dahil sa paghihintay
ng result kung ikaw ba ay promoted to 2nd year na o magreremedial ka.

Sa unang pasukan palang noong 1st year Medstudent ako, Tinatak ko na sa isip ko na
ayoko magremedials syempre mas lalo na bumagsak.

 ► Unang una mahal ang bayad sa remedials,

 ► Pangalawa nakakahiya sa magulang ko na nagpaparal sakin sa mundo ng medisina. To think na dapat nagwowork na nga ako dapat at tumutulong sa mga gastuhin sa bahay, pero heto at pinayagan ako magtuloy ng medisina.

► Pangatlo, Sayang naman kung magreremedials ako, dahil gusto ko sana magipon para sa susunod na pasukan.

► Pang-apat, Mahirap mag remedials, dahil imbis na nagpapakasarap ka at nagbabakasyon, heto ka at nagsusunog parin ng kilay buong summer.

► Panglima, baka di na ko maka enroll sa susunod na pasukan, dahil imbis na ipang eenroll ko yung mga pinang remedials ko, wala na.. kasi nabayad na for remedials.

Hindi ko alam pero feeling ko mas nakakakaba pa yung maghintay ng result for promotion compare sa result ng board exam. Siguro dala na rin ng sobrang mahal kasi ang tuition fee ng Medicine. at Magkano lang naman kasi yung bayad for board. Syempre kasama na din dun yung mga nageexpect sayo na mga kapamilya mo, at ayaw mong madisappoint sila sayo.

Yung moment na yun kasi.

Thanks to ate Doreen Felomino sa pag text sakin ng result na promoted ako for 2nd year :)
at last all my hardship, sleepless nights, lahat lahat ay napawi ng bigla. Akala ko talaga sasabit ako.
Siyempre salamat din sa taas na hindi ako pinabayaan. Alam ko namang ginawa ko yung best ko kaya lahat ng yun ipinaubaya ko nalang sa kanya. Maraming salamat po.

Ngayong 2nd year Proper Medicine Student na ko. Mas Double yung effort dapat.
Mas dapat magsikap. at magaral ng mabuti. Bawal ang petiks.
salamat sa isa pang pagkakataon at ipinapangako ko na hindi ko ito masasayang.
na worth it lahat ng hirap at pagpapakapagod natin lahat.

I will not stop dreaming to become a Doctor.
This is all I want and I will do anything to fulfill this tremedously hardships on
my life. And I know someday you will be proud of me.

soon to be John Conrad Bornillo, MD


Y.O.L.O

Friday, 14 February 2014

Healed with Music: Sanar Con Musica Chorale

Hello Blog world! Nandito nanaman ako, this is my first post for 2014 Just a random thoughts lang. Last year was awesome! I'm hoping that this year is a blast! ang daming masasayang nangyari eh, bagong kaibigan at higit sa lahat bagong responsibilidad, Alam kong lahat ng ito ay plinano na ni God para sakin, na i-share ko ulit ang talent ko.

► Member of Sanar Con Musica Chorale (SCMC) College of Medicine in Our Lady of Fatima University, Sobrang saya ko lang ng makapasok ako dito, umpisa pa lang the best na ang mga experience lalo na yung lumaban kami sa APMC Medrythmia. Ang daming magagaling lalo na ang UST Medicine Chorale na nanalo at kumuha ng ibang pang special award. Naguumpisa palang ang SCMC at alam kong magtatagal ang grupo na to lalo na't Official Medicine Chorale group na ang SCMC. Sa lahat ng kasaling Schools sa APMC Medrythmia Kita-kits tayo next year! :D

Alam ko ang hirap ng pinagdaanan natin para makaabot tayo sa ganto, Mula sa mga practices, sa mga sacrifices na ginawa natin, puyat, pagod kahit may mga shifting exams at practical exams kinabukasan sige parin sa practice. Pero eto tayo ngayon matatag na nakatayo at masasabing eto kami magpapakita ng talento at papatunayan namin na kaya rin namin.


SCMC in Aliw Theater with Sir Philip our conductor

Naguumpisa palang ang SCMC at alam kong magtatagal ang grupo na to lalo na't Official Medicine Chorale group na ang SCMC. Sa lahat ng kasaling Schools sa APMC Medrythmia Kita-kits tayo next year! :D


Here's our LIMANG DIPANG TAO contest piece.. enjoy listening everyone :)




For our Choice piece song  : Paki sabi nalang muntik na kitang minahal (Mashup of Muntik na kitang Minahal at Paki sabi nalang) click here

Go! SCMC! I love you all!

Y.O.L.O