Showing posts with label Blogstorya. Show all posts
Showing posts with label Blogstorya. Show all posts

Saturday, 4 May 2013

Hala Slow Motion? Inlove ako?

"Hoy ano na! tara na tapos na ko magpaprint. Tara na malelate na tayo" wika ni Jan kay Fred habang nakatayo sa likod nito.

"Teka lang bro. Saglit nalang naman mga 5 minutes." hirit nito sa kaibigan.

"Ano ba yan?" tanong ni Jan. Kuha ng upuan tingin sa computer.

"Si Trish yan diba? Oooy! kaw ha. Trip mo ba?" kantiyaw nito sa tropa.

"Alamo baliw ka talaga, napindot ko lang yung profile picture eh. tara na nga late na tayo oh" depensa nito sa pangangantiyaw ng kaibigan. Logout sa FB.


Kelan mo nga ba masasabing mahal mo na ang isang tao? May tama o mali ba sa pag-ibig? Eh paano yung, “we had the right love at the wrong time”? Nangyayari nga ba iyon sa totoong buhay? Eh yung “Guess I always knew inside. I wouldn’t have you for a long time..” Nakanta mo ba sa tamang tono? una bulong lang.. hangang sa palakas ng palakas.. tinakpan ko para wala akong  marinig pero yung tibok lalong lumalakas..pinalaya ko .. inamin.. nadapa, nasaktan, nasugutan, luhaan..umibig ulet.. paulit ulit hihinto , mag mamasid pero  iibig pa rin..


"Mr. Cruz! Frederico! Can you explain the 3rd paragraph!?" <= Professor

Teka ako ba yung tinatawag? parang pangalan ko yung narinig ko. 

"Mr. Cruz!" <= Professor

"Hoy! tawag ka ni Sir!" <= tapik saken ni Jan.

Napatayo ako bigla ng maramdaman kong tinapik ako at binulungan ni Jan. Nag ayos ng damit. Hayun nakita kong nagtatawanan ang mga engot kong kaklase. kasi naman bakit ako napapaganun ganun.


Saturday, 27 April 2013

Mga Babae kasi : Usapang Lalake


*gabi. usapang lalake*
*sindi ng yosi*

*hithit*

*buga*

"Musta na, pare?" tanong ni Kian sa kaibigan.

"Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-muni. Nag-iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba." Seryosong sagot ni Chad.

*hinga ng malalim*

"Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit 'sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang
 bagay pagdating sa pagmamahal" <= Chad

*tingin sa stars*

"Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal? E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya? Ang feeling ng masaktan pag nabasted?" <= Chad


Friday, 26 April 2013

Uy si Eks!




"San ka na? dito na ko sa loob ng super market second floor men shoes area." Inip na sabi ni Ryan sa kabilang linya.

"Nagpapark na kami bro mga 10 minutes.." Nakangising sabi ni Lito

"Sige Sige hintayin na lang kita dito" <= Ryan




Sino nga ba sila? Saan sila galing? Bakit nag-e-exist ang mga ganitong uri ng tao sa mundo?




Sabi Kuya wiki:
In social relationships, an ex (plural is exes) is someone with whom a person was once associated. As a prefix, ex- can refer to a variety of different relationships; for example, one might refer to a music group's ex-guitarist, or someone's ex-friend.[1] When used alone, exas a noun is assumed to refer to a former sexual or romantic partner, especially a former spouse. This often has a derogatory tinge, especially if it refers to unrequited feelings. -Wikipedia (Retrieve date: April 2013)


Naintindihan niyo ba?


Thursday, 25 April 2013

Long Distance Love Affair (LDLA)


Anong masasabi niyo sa mga Long Distance Love Affair or also known as LDLA?

"Magandang gabi sa lahat muling nagbabalik ang inyong programa sa radyo na LDLA ang Lovely Lady Loving  Agnes at ako parin po ang nagiisang Lovely sa balat ng radyo na si La-la-la-lovely Agnes! ano pang hinihintay niyo tawag na..."

(nagring ang cellphone ni Jane na nakapatong sa lamesa)

"Hello Babe.. "

Ayan tumawag nanaman ang Boyfriend ko. Siguradong away nanaman ito. Di ko alam kung bakit ganun nalang ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko na nga ata siya mahal. Ang hirap kasi ng sitwasyon namin nasa malayong lugar siya. Isa kasi siyang Sea man. Ang pangako niya sakin na pagbalik niya ay papakasalan na daw niya ko, pero di ko naman pinaniwalaan yun eh, Limang taon na nakalipas di pa rin siya umuuwi. Napakahirap ng ganitong sitwasyon

"Anong ginagawa mo? Babe" tanong ng Boyfriend ni Jane. "Nakikinig lang ng radyo Babe" malungkot na sabi nito.

Wednesday, 24 April 2013

Martir Ka Ba?

"Oy Ineng... anu na? kanina pa nakasalampak yang kamay mo sa muka mo. Until now di pa rin ba kayo nagkakaayos ni Borg?"

Inilapag ni faye ang tray na may lamang pagkain sa lamesa.

"Oh eto oh. Kailangan mong kumain. Tingnan mo nga sarili mo muka kang zombie"

Pabirong sabi ni Faye sa kaibigan.

"Eh pano naman kasi hanggang ngayon di ko alam kung anong gagawin ko. Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Ayoko siyang bitawan, ayoko siyang pakawalan."

Seryosong sagot ni Dianne. Inalis ang kamay sa mukha. Halatang sobrang stress na siya sa kanyang problema.

"Jusme naman to. Alamo ako nagtitimpi lang ako diyan kay Borg na yan ah! Hiwalayan mo na kasi friend. Di niya deserve yang kagandahan mo. Stop being Martir na!"