Thursday, 25 April 2013

Long Distance Love Affair (LDLA)


Anong masasabi niyo sa mga Long Distance Love Affair or also known as LDLA?

"Magandang gabi sa lahat muling nagbabalik ang inyong programa sa radyo na LDLA ang Lovely Lady Loving  Agnes at ako parin po ang nagiisang Lovely sa balat ng radyo na si La-la-la-lovely Agnes! ano pang hinihintay niyo tawag na..."

(nagring ang cellphone ni Jane na nakapatong sa lamesa)

"Hello Babe.. "

Ayan tumawag nanaman ang Boyfriend ko. Siguradong away nanaman ito. Di ko alam kung bakit ganun nalang ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko na nga ata siya mahal. Ang hirap kasi ng sitwasyon namin nasa malayong lugar siya. Isa kasi siyang Sea man. Ang pangako niya sakin na pagbalik niya ay papakasalan na daw niya ko, pero di ko naman pinaniwalaan yun eh, Limang taon na nakalipas di pa rin siya umuuwi. Napakahirap ng ganitong sitwasyon

"Anong ginagawa mo? Babe" tanong ng Boyfriend ni Jane. "Nakikinig lang ng radyo Babe" malungkot na sabi nito.


Saludo ako sa mga Long Distance Love Affair (L.D.L.A) na talagang matatag at nagtatagal. Iniisip Ko palang na paano kung ganun yung mangyayari sakin, parang ang hirap na. Sobrang sacrifices ang nararanasan ng gantong relasyon. Kasi ngayon palang ang dameng temptasyon. Sabi nga nila Mahirap daw lalo na kung hindi niyo ganung kakilala pa ang bawat isa, kung hindi daw matibay ang tiwala ng magpartner na nasa ganitong sitwasyon eh siguradong masisira lang ang love nila sa isa't isa. 



Naranasan niyo na ba to? Panu naging takbo ng relasyon niyo? Gaano ba to talaga kahirap?


► Dalawang klaseng situasyon.. una yung di pa kami nagkita nung nagkaroon kami ng relasyon dahil nasa ibang bansa sya, pangalawa nung nag sama kami ng isang taon at bumalik sya sa kanyang bansa.--- yung una, masaya kasi ramdam ko ang pagmamahalan namin, at nag hahanap ng pagkakataong magkita kami... nung bumalik sya sa kanilang bansa, ang hirap mag-adjust kasi sanay kang nasa tabi mo sya lagi... sa panonood ng movie/TV, pag maliliigo, sa pagluto at pamalengke... tapos nung malaman mong uuwi sa bansa nila, ok lang pero pag wala pala sya at nasanay kang kasama lagi, ARAY naku... ang hirap
                                                                                             -Pyre Dhickie
constant communication at wag makalimot sa mga okasyon, like anniversary, kung alam mo na nage-effort rin sya, eh di sure yun na safe ang relasyon niyo.
Sa kahit anong relasyon, long distance or hindi, dapat dalawa kayo na nagtutulungan, kung hindi, malapit man siya or malayo, ay wala rin.


Nga Nga Kayo parehas.. 

"Babe.. ayoko ko na suko na ko sa relasyon natin hirap na hirap na ko". Malungkot na sinabi ni Jane sa kanyang boyfriend. "Pero babe please naman malapit na ko umuwi.. paano nalang yung mga plinano natin? Mahal na mahal kita " Umiiyak na sabi ng boyfriend ni Jane sa kabilang linya.

"yun nga ang masakit dun DJ Agnes, pag ikaw na lang ang nag-e-effort, Di na ako magpapatuloy nyan pag ganun... ang hirap kaya yung ikaw lang lagi tatawag, magtatanong, gagawa ng paraan" Kwento ng caller sa radyo.

"in someway, may miscommunication na nangyayari eh... pag malayo kasi talagang nangyayari yan, however, dapat magusap nga kayo ng masinsinan, lalo na sa mga signs... idioms (hehehe) kasi nga baka iba nasa isip nya na akala mo nagagampanan mo ang mga bagay bagay bilang partner" Adivce naman ni DJ Agnes sa kanyang caller.



lahat naman ng bagay, lalo na pag mahal nyo ang isat-isa ay nakukuha sa pag-uusap... mag-agree kayo sa inyong mga terms bilang magpartners, mahirap pero ganun talaga.

"nasa sa inyo talaga yan, mahal nyo pa rin ba ang isat-isa?? gusto nyo pa rin ba ipagpatuloy?? kayong dalawa lang ang makakasagot... i hope na maging maaayos ang lahat..." Dugtong na Advice ni DJ Agnes.

Sobrang sakit ang nararanasan ni Jane ng mga sandaling iyon. Dahil di siya makapaniwala sa kanyang mga binitiwang salita. Pinatay ni Jane ang radyo at dumiretso na sa kwarto.
Here are some tips:
If you are in a long distance love affair it is difficult to maintain. There is always the danger that someone near to the one you love might be making a move just to get his/her attention. Even an 8 year relationship can be destroyed if you can't be there to take care of your lover when he/she needs it.

The longer you have been together before the long distance relationship, the more likely it is you will have some rapport to get you through the tough stuff. If you have just started dating or meet over the internet, etc. Things may be much harder.

Just like any relationship, you will need to decide what the rules are and agree on them. Some relationships define cheating differently. Some people prioritize physical contact and will need to have an open relationship. Decide together mutually what rules will be best for you both.

And Lastly BEST OF LUCK.


Y.O.L.O

2 comments:

Anonymous said...

Ako almost 4yrs na aq sa long distance affair. Normal lang ung away bati away bati. Ako ang nasa ibang bansa at sya naman ang nasa pilipnas. Madalas ko sya unawaain at pinauunawa ko sitwasyon ko abroad na mas mahirap. Sya lagi pinagnanasaan ko at minamahal. Ayaw ko mag nasa sa iba. Sabi nga nila pag ang isang tao hindi mo na iniilusyon at pinagnanasaan ibig sabihin nawawala na ang pagmamahal mo at maari kayong di na magtagal. Un palagi sinasabi ko sa kanya na hindi nya ma gets. Minsan ako humiling sa kanya na para sa akin mahal ko sya gusto ko sya, hinahanap hanap ko sya ang yakap nya at halik nya. Humingi ako ng hubad nyang larawan dahil kahit dun ay manatili ang init ko sa kanya. Pero pinatatagal nya at di nya ako binibigyan dahil nahihiya daw aya dahil mataba daw sya. Tanong ko. Masama ba humingi ng ganub kung halos purihin mo sya kahit ano pa man sya dahil mahal mo sya?

Doctor Strange said...

Oh my. Seriously ngayon ko lang nabasa ang comment mo.
wala namang masama siguro kung willing naman siya talaga na magbigay.
Magiging masama lang yun kung pipilitin mo siya sa ayaw niya.
kahit na siguro matagal na kayo sa relasyon kailangan parin talaga ng respeto sa bawat isa dahil yun naman talaga ang nagpapatibay sa isang relasyon diba? :) alam mo kung mahal mo talaga siya hihintayin mo yung araw na magiging magkasama talaga kayo at mismo personal mong masisilayan ang gusto mo. :) salamat po sa comment mo sana may naitulong ako kahit papano :)