Thursday, 25 April 2013

What to do next? : Bachelor Life




I already did your part. Oo natapos ko na lahat, pero panu naman yung mga pangarap ko sa buhay. Graduating ako ng High School noong mga panahon na yun, tandang tanda ko pa ang sinabi ko sa parents ko. "Ma, Pa gusto ko po mag doctor" wala naman silang tutol dun in fact natuwa pa sila sa pangarap ko sa buhay. Ang sabi pa nila noon na pagtiya-tiyagaan na daw nila na makatapos ako ng medicine. Ako naman tuwang-tuwa din, sa totoo lang sabik na sabik na kong mag college nun.

I took up Bachelor of Science in Medical Technology, kasi sabi nila maganda raw ang course na yun para sa pre-med ng medicine. Ako naman ok lang basta ang importante makapag medicine ako. Sa umpisa ng Medtech ok pa naman di pa napapansin ang hirap tsaka ok naman yung mga kaklase ko. Sa totoo lang tulungan kami in terms of academics oo minsan may mga pandarayang nangyayari, nandiyan yung kopyahan, minsan naman doktoran ng mga sagot. Natatawa na nga lang ako pag nababanggit ng professor namin na. "Oh yung mga nangdodoktor ng sagot diyan ah! Di pa kayo doktor kaya ayusin niyo lang!" napapailing at napapangisi nalang ako. Di naman kasi mawawala yun,  for sure kahit saan namang colleges and universities meron mga ganun,





I was in the 3rd year college ng maramdaman ko na ang hirap. Halos kakaiba na yung mga subjects na pinagaaralan pero di ako sumuko. Nandiyan yung mga oras na wala akong tulog kasi puro aral ng aral, basa ng basa, sulat dito sulat doon. Mas lalo pa nung dumating ang thesis namin. Nagiba na nga ang pananaw ko pagdating sa mga grades eh. Dati laging nasa isip ko na kelangan hindi bababa sa ganito yung grades ko kelangan laging ganto grades ko, pero nung time na yun ang sinabi ko nalang sa sarili na "Ok lang mababa ang grades atleast pasado". Kumbaga tinatak ko nalang sa sarili ko ng ok yun pasado naman eh, ang mahalaga matapos ko itong  course at makapag proceed na ko for medicine.

Di ko nabigo sarili ko. Dahil nakatapos ako ng Kursong BSMT na maayos at mapayapa.. and recently itong last Septempber I passed the Medtech Board Exam.

Now... What to do next?

naiwan sa utak ko ang tanong na yan ng bawiin sakin ng parents ko ang napagusapan namin back when I was in high school ang pag dodoktor ko. Sa totoo lang nainis ako naasar ako nagalit ako sa kanila ng mga ilang linggo. Halos di ko sila gaano pinapansin, Nasaktan ako. kasi umasa ako sa mga sinabi nila nung mga panahon na yun.

Sana nalang noong una pinigilan nalang nila ako. Sana nalang itinuon ko nalang sa bagay na hilig ko ang pag kokolehiyo ko. Dahil maliban sa gusto ko mag doctor hilig ko rin ang musika, Pagkanta, Performing arts, Filming etc.  basta about sa arts.  Sana nalang pala..

Ngayon eto ako tambay. Pagkatapos ng Board exam binalak ko muna hindi magwork para makapag isip isip kung ano na bang next step ko sa buhay ko. Ayoko naman kasi sugod ng sugod lang basta basta sa kung anong oppurtunities meron. Iniisip ko rin naman kung anong mas magandang paraan para sa kinabukasan ko. Aaminin ko minsan naiinggit ako sa mga klasmeyt ko na nag wowork na. yung tipon nabibili na nila yung gusto nila na ang gamit ay ang perang pinaghirapan nila. yung tipong nakakagala na sila kung saan nila gusto kasi di na nila kailangan humingi ng pera sa magulang nila dahil may income nanaman sila.

I listened to my parents part. Kasi daw mag college na daw ang sumunod saakin di na daw kakayanin ang gastusin. Sabagay kung susumahin lahat ng pang enroll namin halos almost 250 -350 thousands  yung mga nagagastos eh. Panu pa kaya kung mag memedicine pa ko at Engr. ang kapatid ko. tapos may High school pa at Grade school. Nako sigurado magdidildil kami ng asin niyan.

Napaisip ako bigla. Oo nga nuh? yan ang sabi ko sa sarili ko. Naiintindihan ko na kung bakit ganun ang nangyari. I  bow my head and say "Sorry po kung sarili ko lang iniisip ko." pero andun parin yung mga salitang Sana nalang pala...

Nagisip isip ako. Kung hindi na nila kaya bakit hindi nalang ako ang gumawa para sa sarili ko.
I'm a professional Medical Technologist. Ito nalang ang gagamitin ko para maabot ko kung anong mga pangarap ko sa buhay. Sabi nga nila gamitin mo ang mga bagay na nalalaman mo. Wag mong sayangin ang mga bagay na alam mong makakatulong sayo upang makamit mo ang ipa bang pangarap sa buhay mo. Sa ngayon ito nalang pagiging medtech ang magiging gabay ko. dito ako magsisimula at ito ang gagawin kong daan para maabot ang ibang pangarap ko sa buhay. Meron pa kong magagawa. hindi pa huli ang lahat dahil nagsisimula palang ako.

"Believe with all of your heart that you will do what you were made to do. If you want to succeed in the world must make your own opportunities as you go on. The man who waits for some seventh wave to toss him on dry land will find that the seventh wave is a long time a coming. You can commit no greater folly than to sit by the roadside until some one comes along and invites you to ride with him to wealth or influence. We are all inventors, each sailing out on a voyage of discovery, guided each by a private chart, of which there is no duplicate. The world is all gates, all opportunities."


Y.O.L.O

No comments: