Wednesday, 24 April 2013

Martir Ka Ba?

"Oy Ineng... anu na? kanina pa nakasalampak yang kamay mo sa muka mo. Until now di pa rin ba kayo nagkakaayos ni Borg?"

Inilapag ni faye ang tray na may lamang pagkain sa lamesa.

"Oh eto oh. Kailangan mong kumain. Tingnan mo nga sarili mo muka kang zombie"

Pabirong sabi ni Faye sa kaibigan.

"Eh pano naman kasi hanggang ngayon di ko alam kung anong gagawin ko. Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Ayoko siyang bitawan, ayoko siyang pakawalan."

Seryosong sagot ni Dianne. Inalis ang kamay sa mukha. Halatang sobrang stress na siya sa kanyang problema.

"Jusme naman to. Alamo ako nagtitimpi lang ako diyan kay Borg na yan ah! Hiwalayan mo na kasi friend. Di niya deserve yang kagandahan mo. Stop being Martir na!"




Martir, ang tawag sa mga taong iniinda ang lahat gano man kasakit at nakakamatay ang pagibig alang alang sa pagmamahal at sa taong kanyang minamahal. 

Martir, ang tawag sa mga taong iniinda ang lahat gano man kasakit at nakakamatay ang pagibig alang alang sa pagmamahal at sa taong kanyang minamahal. 

Naulit ba? haha Inulit ko talaga yan..


"Kung di ka kayang suklian ng taong minamahal mo,siguro ay wala talaga syang barya kaya wag kang magbigay ng buo. " - Bob Ong








Kasi nga kapag ikaw ang nasa sitwasyon di mo na naiisip ang sarili mo, pano hawak na niya ang mundo mo at sa kanya na umiikot ang buhay mo. Nakakatawa noh? haha :p eh may mga ganyan naman kasi talagang tao, minsan nga di natin napapansin nagiging ganyan na rin tayo. Yung tipong sinasaktan ka niya di mo magawang iwanan kasi nga mahal mo, Yung tipong pinapahiya ka na niya sa harap ng maraming tao pero di mo parin kayang iwanan kasi nga mahal mo. Yung tipong lahat gagawin mo wag ka lang niyang iwanan kahit na dumadating nalang sa point na parausan nalang ang tingin niya sayo kasi nga mahal mo.

                                         

" Imbis na magtanong ka ng ‘Hindi pa ba sapat?’, 
bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? 
Kung alam mong binabalewala ka na, 
tanggapin mong nagsasawa na s’ya."
-Bob Ong









"Eh ano ba dapat kong gawin? "

Tanong ni Dianne kay faye, seryosong nakatingin siya sa kaibigan.

"Let Go? Give up? then Move on? Friend stop slaving yourself to death. Kung ako nasa sitwasyon mo matagal ko ng dinispatiya yung mokong na yun nuh!"

Galit na sabi ni Faye habang numunguya ng pagkain.


Sabi nila:

Minsan kapag nagmamahal tayo, nalilimutan na natin ultimo sarili natin. Oo, andun na tayo sa mahal mo ung tao, kaso kung kitang-kita naman at pinaparamdaman na sayo na hindi ka na nya mahal ano pa ang saysay ng pagpapakatanga mo? Alam kong hindi madali pero kelangan ng putulin ang pisi na nag-uugnay sa inyong dalawa. Magpakasaya ka.. Wag mong ikulong ang sarili mo sa kalungkutan. Maaring umiyak ka ng buong araw, normal un, sapat na un.. Pero kung itutuon mo lang ang sarili mo sa magaganda at masasayang bagay, hindi mo namamalayan na yung salitang “move on” ay nararanasan mo na. - Anonymous (Blog)

"Martir na ba talaga ako?" <= Dianne

"Ay? Di mo na kelangan itanong yan friend alam mo baliw ka na nga rin eh... Look around you andame dame dyan oh. Ano bang klaseng gayuma ang pinainom sayo ng Borg  na yun? <= Faye



Pagiging Martir ay isang gawain ng taong totoong namamahal, sapagkat minsan ito ay may hangganan. 
Hindi sa lahat ng pagkakataon mananatili kang ganyan dahil minsan ang pagiging
 Martir mo sa iyong minamahal ay syang daan para kayo ay maghihiwalay.
Sa madaling salita, "Hwag magiging MARTIR sa lahat ng pagkakataon."   -Prince (Facebook)




Ang mga martir ay 2 lang ang kinapaparoonan...
1st,sa bagumbayan at binibigyan ng 21 gunshot salute na nakatutok lahat sa katawan nya...
2nd,sa garote para unti unting putulan ng hininga ... Sadyang may mga tao lng talaga na akala nila eh di sila mabubuhay ng walang pagmamahal buhat sa kapwa.yes!necessity ang magmahal at mahalin..pero kung ginagago ka na,di na pagmamahal yun.it's either kalokohan or habit na lang ang nagyayare..and...in the first place hindi talaga sya nagmahal...kasi naniniwala ako na pre requisite ng capability mong magmahal sa kapwa ay ang pagmamahal muna sa sarili ng walang pag aalinlangan.. -Ricci (Facebook)




 Ang mga taong nasasadlak sa ganyang sitwasyon ay dapat na humingi ng wisdom sa "Kanya" para maliwanagan sya sa mga bagay bagay..ok,mahal mong talaga,given..ang tanong,hanggang saan ka dadalhin ng pagmamahal mo?we only live once,might as well enjoy every single seconds of it...at first,in denial ka pa,pinagtatanggol mo pa nga sa mga friends mo mga kagaguhan nya..pero di mo pwedeng takasan ang katotohanan na may di magandang nagaganap na talaga..walang taong manloloko kung walang taong nagpapaloko... - Karen(Facebook)


Paano naman ito nagiging tama?

siguro kasi iba't iba naman tayo ng pananaw sa mga bagay bagay..maaring maging tama ang pagiging martir kung nakakasiguro ka na in the end eh magbebenefit ka sa (sorry but i lack of appropriate term to use) KATANGAHAN mo...which means..lumalaban ka kasi alam mong liyamado ka.


Siguro to close this topic, Lahat naman tayo ay posible maging ganto eh. Wala namang pinipili yan basta pagdating sa pagmamahal lahat naman natatanga e. Tama sila ang bansag sating pilipino ay most emotional people. Kasi tayo lang ata ang nakagagawa ng niloloko ka na nga ng harap harapan e nakatawa ka pa, may iba na nga, sinasaktan ka na nga, eh masaya ka pa. Pano mahal mo eh. Di mo kayang iwan. Lahat titiisin mo para lang sa kanya. Kumbaga ok lang sayo na ipahiya at saktan ka nya sa harap ng maraming tao kasi mahal mo eh. Sabi nga ni ricci nagiging manhid, bulag, pipi, at bingi ka na kasi nga mahal mo eh di mo kasi kayang iwan e. Yun bang wala ka ng tinirang pagmamahal sa sarili mo lahat binigay mo na sa kanya. Ikaw lang din naman ang makakaayos nyan e sarili mo lang din ang makakatulong sayo. Mas magandang umpisa palang kung alam mong mali na eh tigilan na. Ayun. 






Paano martir ka kasi. 


Y.O.L.O

No comments: