sabi ni Kuya wiki:
Politics in the Philippines has been under the control of a few notable families. It is normal for a politician's son, wife, brother, or other kinsman, to run for the same or other government office. The term coined by Filipinos to describe this practice is "Political dynasty", the equivalent of an oligarchy in political science.
Aba! uso na kaya yan dito sa bansa natin. Nakikiuso eh, wala tayong magagawa. Actually meron naman kaya lang iba rin talaga ang hatak ng ganitong sistema. Kung tutuusin maraming mga bansa na may ganyang sistema rin at isa na nga dito ang bansa natin.
Heto nanaman tayo sa puro pangako, na wala rin namang nangyayari. Minsan nga naiisip ko rin. Napapagod din kaya sila sa kaka pangako ng mga bagay na hindi naman natutupad. kasi naman po Ang Pangako ang tinutupad hindi pinapalipad. Ilang Dekada na ba ang lumipas eh puro ganyan naman ang nangyayari. Nakakatawa nga lang eh. Kasi kung kelan mag eeleksyon na tsaka naman nagsisilabasan ang mga kanya kanyang proyekto at may napakalaking poster pa ng this is project by chu chu chu. Meh masabi lang na kumikilos sila. Utot niyo blue :P
Well ano ngayon ang resulta?
Traffic!
Eh kung tutuusin pwede naman gawin yun dati pa eh. Ano yun isasabay niyo kung kelan lahat abala sa pagplaplano ng mga gagawin nila para sa kampanya. Madami tuloy ang naapektuhan ng pinagagawa ninyo. Naiisip niyo ba yun?
Malamang hindi.
Pano nakatuon sa pagpapabango ng pangalan nila para sa darating na eleksyon mahalal pa rin sila.
Isip isip din pag may time :D
Sa mga boboto magisip ng mabuti kung sino ba talaga ang karapat dapat. Wag sayangin ang boto. Bawat boto ay bilang. Dyan nakasalalay ang ikauunlad ng ating bansa. Wag isara ang isipan sa kung ano pa mang mga bagay sa tingin mo ay makakatulong sayo pati na rin sa kapwa mo at sa buong bansa. Ito ay laging buksan para sa pagunlad at pagbabago.
Y.O.L.O
No comments:
Post a Comment