"Teka lang bro. Saglit nalang naman mga 5 minutes." hirit nito sa kaibigan.
"Ano ba yan?" tanong ni Jan. Kuha ng upuan tingin sa computer.
"Si Trish yan diba? Oooy! kaw ha. Trip mo ba?" kantiyaw nito sa tropa.
"Alamo baliw ka talaga, napindot ko lang yung profile picture eh. tara na nga late na tayo oh" depensa nito sa pangangantiyaw ng kaibigan. Logout sa FB.
Kelan mo nga ba masasabing mahal mo na ang isang tao? May tama o mali ba sa pag-ibig? Eh paano yung, “we had the right love at the wrong time”? Nangyayari nga ba iyon sa totoong buhay? Eh yung “Guess I always knew inside. I wouldn’t have you for a long time..” Nakanta mo ba sa tamang tono? una bulong lang.. hangang sa palakas ng palakas.. tinakpan ko para wala akong marinig pero yung tibok lalong lumalakas..pinalaya ko .. inamin.. nadapa, nasaktan, nasugutan, luhaan..umibig ulet.. paulit ulit hihinto , mag mamasid pero iibig pa rin..
"Mr. Cruz! Frederico! Can you explain the 3rd paragraph!?" <= Professor
Teka ako ba yung tinatawag? parang pangalan ko yung narinig ko.
"Mr. Cruz!" <= Professor
"Hoy! tawag ka ni Sir!" <= tapik saken ni Jan.
Napatayo ako bigla ng maramdaman kong tinapik ako at binulungan ni Jan. Nag ayos ng damit. Hayun nakita kong nagtatawanan ang mga engot kong kaklase. kasi naman bakit ako napapaganun ganun.
Sabi nila, masasabing inlove ka na raw kapag laging siya ang laman ng utak mo. Yun bang kada oras siya na lang lagi ang nasa isip mo. Yung tipong kada exhale mo pangalan niya yung lumalabas na hangin sa paghinga mo.
"Alamo ang O.A mo bro. Eh pano yung mga may utang saken lage kong naiisip. Ano yun inlab ako sa kanila? mga ka anuhan mo eh nuh. Pano yung hiniram mong libro ko na isang linggo na di mo pa rin binabalik. Na hindi ko alam kung kelan mo saken isasauli. Kaya hindi basehan ang laging nasa isip tapos mahal mo na. Puso kaya yung ginagamit pagnagmahal." <= Dame ko sat-sat kay Jan pero parang obvious ata na masyado akong defensive. lagok ng coke. punas ng pawis.
"Hala! ok ka lang ba? yaan mo bro di naman halata eh. masyado ka lang defensive at yung tungkol sa libro bukas isasauli ko na. salamat sa book" Napatawa ng malakas pagkatapos mag salita <= Jan
"Tara na balik na tayo ng room. Ang init dito sa canteen eh." <= yaya ko kay Jan. Haaays sabi na mukang nahalata nga ako dun.
Kung puso ang ginagamit sa pag-ibig, ano ang magiging criteria dito? Ito ba ay dahil iba ba yung pagtibok ng puso mo tuwing kasama mo siya. Umaabot ba ng 140 beats per minute with a matching background music ng “Chara-Chara-Chara-Chara-Charap mag Cha-Cha”? Medyo korni nuh. Pero ang tanong paano mo nga ba malalaman pag-in-love ka?
Base saaking nakalap ng impormasyon:
1. Puno ng pangalan niya ang notebook mo.
"Hoy! ano to Fred ha!? bakit puro panganlan ni Trish to!" <= Jan
"Akin na nga yan! Pakealamero ka." <= Fred
Loko loko tong lalakeng to. Haaays bakit ko kasi di napilas to.. naku naman oh.
2. Hindi ka uuwi ng bahay hanggat di mo siya natatanaw.
"Ano ba yan tol kanina pa tayong isang oras dito oh. Alamo mauna nalang kaya ako <= Jan
Dumaan si Crush.
"Aaah. hehe tara na uwi na tayo" <= Fred
Ang Ganda talaga niya.. haaaays
3. F.L.A.M.E.S, C.A.M.E.L, H.O.P.E
"Taenang yan! haha alamo tol ako talaga naghihinala na ko sayo ha. may gusto ka talaga kay Trish eh!" <= Jan
"Si Jen kaya may gawa niyan kanina. Pano inaasar niya rin ako kay Trish nuh. Abnoy talaga kayo" <= Fred
4. Na-Stun ka na nung nadikitan ka. Kilos kilos baka maging manequin
"salamat nga pala fred kanina ha." <= Trish
"Aaah hehe wala yun basta ikaw" <= Fred
"Hoy! ano na nanigas ka na dyan!" Sabay tawa ng malakas <= Jan
5. Blooming/Gumaganda/Pumopogi
"Aba teka teka lang. Parang may nagbago sayo ha. pumopogi ka ata lalo nako in-love ka na nga" <= Jan
"Baliw di ako pumopogi nuh. Nababakla ka lang saken" sabay tawa ng malakas <= Fred
6. Bukambibig lagi si Crush
"hay ano ba yan. paano naman tayo matatapos sa meeting na ito kung bukambibig mo lage si Trish! may gusto ka ba kay Trish" <= Jen
"Sabi sayo eh. Malala na to" <= Jan
"Hindi naman eh" natahimik at nahiya <= Fred
7. Hallucination
"Uy teka si Trish ba yun?" = Fred
"EWAN KO SAYO!" <= Jan at Jen Full force
Iilan lang naman yan sa mga dahilan kapag ikaw ay in-love. Marami pang mga kung ano anong milagro ang ngyayari sa isang tao kapag in-love pero di ko iisa isahin lahat yun. Hahayaan ko nalang na kayo ang makadiskubre nun.
Sabi nila, masasabing mahal mo ang isang tao kung nasasaktan ka na… Kailangan pa bang umabot sa point na masasaktan ka bago mo marealize at mapagtanto na mahal mo na ang isang tao? Kailangan bang ilagay mo ang iyong sarili sa isang sitwasyon na masasaktan ka para lang mapatunayan mo na, “Ay. Oo nga. Inlove na nga ako.”
"Ok ka lang ba? bakit parang tahimik ka ata ngayon. Parang nung nakaraan lang ang ingay ingay mo at bukambibig mo si Trish." <= Jan
"Wala tol. May BF pala siya." <= Fred
"Aysos! Sabi na eh! Inlab ka nga!" <= Jan
Kinabukasan...
"Eto na nga pala yung report ko Jen. paki check nalang" Inaabot ko ang papel kay Jen at lumabas ng klasrum. Nakayuko ako papunta sa C.R ng biglang.
"Fred tumingin ka sa dinadaanan mo!" <= Jan
"Aray"
"Aray"
Napatingin ako sa nabunggo ko. Isang babae. Tumayo ako agad at inalalayan siyang tumayo.
ngunit sa pagtayo niya bumungad saken ang isang anghel na muka.
Nasa langit na ba ako? Bakit may anghel?
Slow motion ang lahat.
Fade out to White .. . . .
Karamihan sinasabi ng mga tao na wala ka talagang masasabing dahilan kung bakit mahal mo na ang isang tao. Basta nararamdaman mo lang. Ang tanong ko naman, paano nangyari yun? Ano yun? Parang kabute na bigla na lang sumulpot? Nagising ka na lang at nasabi mong “I think I’m inlove!” Sa aking pananaw, naiinlove tayo sa isang tao dahil may isang bagay na naging dahilan para umiba ang tingin natin sa espesyal na taong ito. Maaring ito yun sinasabi ng mga tao na wala kang masasabing dahilan dahil mahirap itong ipaliwanag. Mahirap ilarawan sa pamamagitan ng mga salita pero meron, meron, meron!
Y.O.L.O
No comments:
Post a Comment