Finally, Naka-enrol na din sa wakas. Certified Medicine Student at Our Lady of Fatima University Valenzuela main campus. Na-excite ako bigla. Need to get more serious than before. kung dati puro petiks lang eh ngayon dapat mas seryoso. Bihira lang ang mga ganitong pagkakataon kaya dapat seryosohin ko to. Ilan lang ako sa mga batang maswerte na makakapagaral ng Medicine may iba na gusto mag Med pero hindi kaya. Hindi ko kelangan maging petiks ngayong med student na ko. Kung gaano ako sa seryoso sa mahal ko ganun din ako dapat ka seryoso sa magiging future career ko balang araw.
Mahal daw. . kamusta naman yun maka Bold and Italicized pa asheshe..
alam na niya kung sino siya. Ayee >.<
SCHOLARSHIP
Hindi ako matalino. Simpleng tao lang at estudyante. Pero kung gugustuhin ko naman eh wala namang imposible eh. Kelangan lang talaga ng disiplina sa sarili at yan ang wala saken. Time management ba kamo. Haaay naku bagsak ako pagdating sa ganyan, kaya dapat Matuto talaga ako niyan. Kailangan ko kasi talaga makapasok at maging scholar dahil kahit maliit na percentage lang na discount eh malaking ginhawa na rin kila erpat at ermat yun. Hindi lang naman ako ang nagaaral samin eh. Nandyan yung incoming first year college na kapatid ko, sang 3rd High at isang 1st Grade. So kailangan ko talaga nun para maka menos sa bayaran kahit papano.
Ngayon na ito na talaga ang pangarap ko. Wala na kong ibang mahihiling pa kundi ang matapos ko ito ng walang problema. Ito ang bubuhay sakin at sa magiging pamilya ko balang araw.
I am proud to say that I'm a Medicine Student.
Y.O.L.O
No comments:
Post a Comment