University of Sto. Thomas |
Nararamdaman ko na... Kayo nararamdaman niyo na ba? Nagiging sunod sunod na ang pagpaparamdam ng ulan and sadly to say that summer season is almost finished. Ang tanong, Handa na ba kayo para salubungin ang mahabang panahon ng tag-ulan? Ako di pa! More days for summer please! Pero ganun talaga lahat may hagganan. Siyempre pagkatapos ng summer ano pa ang sunod? kundi ang pasukan nanaman. Yung iba excited kasi sa wakas makakahawak nanaman sila ng BAON! na matagal nilang inasam dahil nga bakasyon. Yung iba naman heto nanaman ang sunugan kilay at sangkatutak na mga projects at assignments. Panibagong taon nanaman para sa mga estudyante natin na nagaaral. Medyo level up na tayo ngayon kasi tumaas na ang level ng pagaaralan natin eh, maliban na nga lang kung isa ka sa mga studytante na bumagsak at umulit, saklap lang diba. Ang blog ko na to ay para sa mga incoming first year college students. Sa ngayon malamang naka enroll ka na at nakahanda na ang mga bago mong gamit na pangcollege. Syempre excited iniisip mo kung ano nga ba ang buhay college? at malamang may mga ilan-ilan ka naring napagtanungan kung anong klaseng buhay ba ang meron pagcollege. Pero dahil para sa inyo nga ang blog na to bibigyan ko kayo ng ilang tips at konting kaalaman kung ano bang mga nagaganap sa college life.
Ibang-Iba talaga dahil dito bahala kayo sa buhay niyo. Di katulad nung Highschool meron kayong adviser na nandyan palagi sa inyo. Kung dati may sarili kayong klasrum, sa college wala kayong permanenteng klasrum. Kung dati meron kayong permanenteng mga kaklase dahil may mga tinatawag pang II- Bl. John the Good IV- Makipot eh sa college wala ng mga ganyan kundi isa nalang ang tawag sa mga section, kundi "BLOCK" kasi parehas kayo ng sched kaya mo siya ka block sa subject na yun, pero sa ibang subject di mo siya ka klase. Pagdating sa studying techninque bahala ka sa buhay mo. Nandyan yung mga kaklase mong sobrang sisipag at yung iba sipag sipagan. Di naman nalalayo sa highschool yung type ng studyante pero dito kelangan madiskarte ka. hindi pedeng ok lang yan may next pa naman. Depende din sa Institution na pinasukan mo kung ano ba ang patakaran nila, yung iba dalawang sem lang sa isang taon at yung iba naman tatlong sem sa isang taon. Di kagaya ng Highschool na first to fourth quarter. Kung dati Monthly at periodical test ang pinaghahandaan mo, Sa college tatlong klase lang yan, Pre-lim, Midterm at finals.. pero depende parin sa school na pinasukan mo, dahil yung ibang school walang prelims.
Ano bang mas mahirap? College o highschool?
Malamang College. Ano yun tumataas ang level ng pagaaral tas padali ng padali? di ganun yun. Kung dati sa highschool eh nagbibigay ng consideration ang mga teachers ibahin mo sa college kasi ASA! ka pa. Eto pa ang pinakamalupit sa lahat. Kung sa highschool konting ulan lang eh suspended na ang klase. Sa College ASA! ka pa. Sabi nga nila waterproof na tayo pagdating ng college kahit yun bang nagliliparan na yung mga bubong at ma puno sa kalsada eh may pasok parin. BUWIS BUHAY! pero siyempre sariling instinct mo na yun at decision kung papasok ka. Eh kung ganun ba naman yung mga sasalubong sayo sa kalsada di na ko papasok nun noh!. Di ba ang sarap mag college.
BAHALA KA NA SA BUHAY MO!
Di naman sa nanakot ako, pero ganun talaga ang magiging sistema eh. Nandyan naman yung mga ka blockmates mo para tumulong sayo pero at the end ikaw parin talaga dapat ang tumulong sa sarili mo. The freedom is all yours! sabi nga nila. Di naman lahat ng masasama nasa college na eh. Actually kung di mo na-enjoy ang H.S life mo for sure mas maeenjoy mo ang college life! ikaw na kasi ang may control ng lahat ng gagawin mo. kalaban mo talaga dito ang sarili mo at oras. Lovelife? walang problema, as I have said before the freedom is all yours! pero syempre yung inspiring lovelife naman. Hindi yung yun pa yung magiging dahilan para mawala ka sa pagaaral ng college. Nandyan yung mga labas labas kung saan tapos mapapalitan na yung course mo, naging BUNTISTRY na! haha! dejoke :) hinay-hinay din naman. Hindi porket malaya ka na eh kahit yung mga maling bagay basta basta mo nalang din gagawin. Syempre dapat alam mo na ang priority mo. Sa mga oras at panahon din na to na marerealize mong oo nga tumatanda ka na at dapat maging mature na. Wag masyado kampante, kung alam mong may mga exams na parating magbasa at magaral ka. Hindi yung uunahin mo pa yung mga bagay na di naman masyado importante sayo. Organization? NAMAN! mas masaya ang college pag kasali ka sa organization. Marami yan! pero dapat pumili ka ng Org na angkop sa hilig at gusto mo at syempre dapat balance parin ang lahat. Loveife, Studies and Organization. So ano kaya mo ba? Hindi ka naman pinipilit na gawin mo lahat yan kasi depende parin sayo.
Magaral lang po ng mabuti para sa lahat. Tandaan pinagaaral kayo ng magulang niyo para naman sa mabuti at magandang kinabukasan ninyo. Nagpapakahirap sila guys, Hindi sila nagpapakasarap para lang matustusan nila ang TF niyo sa school. Magkaroon din tayo ng consideration sa mga magulang natin. Kung alam mong di kayo ganoon biniyayaan ng maraming pera eh wala kang karapatan mag loko at magbulakbol. Pero kung rich ka kahit ano gawin mo eh may pampaaral ka naman kaya GO! lang! haha! joke lang! Umayos ayos din naman kayo kahit papano. Konting hiya ba sa mga magulang niyo :)
So ayun sana marami kayong natutunan sa pag share ko ng kaunting kaalaman tungkol sa kung ano bang meron sa college. tandaan. MAG-ARAL!
Iwan ko nalang sa inyo itong video na nakita ko sa youtube.
LC LEARNS #24 TARA LUSONG BAHA NA!
Follow me - https://twitter.com/LloydCadena
FOR BETTER QUALITY - Watch in HD
TOPIC: Mga Experience ko kapag may Ulan :)
Thanks For Reading! Now do me a favor. Nagustuhan mo ba ang topic na to? Pls. Share this Blog post. Comment din po. :)
Salamat :)
Y.O.L.O
No comments:
Post a Comment