Tuesday, 30 April 2013

Eleksyon 2013

Heto nanaman tayo at eleksyon nanaman ulit. Samut-sari ang mga kampanya at kaliwa't kanan ang mga plataporma. Pero sino ba ang dapat talaga iboto sa mga tatakbo? May mga ilan na bago sa aating paningin at may mga ilan na matagal na, kumbaga ginawa ng hanap buhay talaga ang patakbo. Merong mga bago pero may ka-apelyido o kamaganak, yung sinasabi nila na Political Dynasty.

sabi ni Kuya wiki:

Politics in the Philippines has been under the control of a few notable families. It is normal for a politician's son, wife, brother, or other kinsman, to run for the same or other government office. The term coined by Filipinos to describe this practice is "Political dynasty", the equivalent of an oligarchy in political science.


Saturday, 27 April 2013

Mga Babae kasi : Usapang Lalake


*gabi. usapang lalake*
*sindi ng yosi*

*hithit*

*buga*

"Musta na, pare?" tanong ni Kian sa kaibigan.

"Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-muni. Nag-iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba." Seryosong sagot ni Chad.

*hinga ng malalim*

"Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit 'sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang
 bagay pagdating sa pagmamahal" <= Chad

*tingin sa stars*

"Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal? E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya? Ang feeling ng masaktan pag nabasted?" <= Chad


Friday, 26 April 2013

Uy si Eks!




"San ka na? dito na ko sa loob ng super market second floor men shoes area." Inip na sabi ni Ryan sa kabilang linya.

"Nagpapark na kami bro mga 10 minutes.." Nakangising sabi ni Lito

"Sige Sige hintayin na lang kita dito" <= Ryan




Sino nga ba sila? Saan sila galing? Bakit nag-e-exist ang mga ganitong uri ng tao sa mundo?




Sabi Kuya wiki:
In social relationships, an ex (plural is exes) is someone with whom a person was once associated. As a prefix, ex- can refer to a variety of different relationships; for example, one might refer to a music group's ex-guitarist, or someone's ex-friend.[1] When used alone, exas a noun is assumed to refer to a former sexual or romantic partner, especially a former spouse. This often has a derogatory tinge, especially if it refers to unrequited feelings. -Wikipedia (Retrieve date: April 2013)


Naintindihan niyo ba?


Thursday, 25 April 2013

What to do next? : Bachelor Life




I already did your part. Oo natapos ko na lahat, pero panu naman yung mga pangarap ko sa buhay. Graduating ako ng High School noong mga panahon na yun, tandang tanda ko pa ang sinabi ko sa parents ko. "Ma, Pa gusto ko po mag doctor" wala naman silang tutol dun in fact natuwa pa sila sa pangarap ko sa buhay. Ang sabi pa nila noon na pagtiya-tiyagaan na daw nila na makatapos ako ng medicine. Ako naman tuwang-tuwa din, sa totoo lang sabik na sabik na kong mag college nun.

I took up Bachelor of Science in Medical Technology, kasi sabi nila maganda raw ang course na yun para sa pre-med ng medicine. Ako naman ok lang basta ang importante makapag medicine ako. Sa umpisa ng Medtech ok pa naman di pa napapansin ang hirap tsaka ok naman yung mga kaklase ko. Sa totoo lang tulungan kami in terms of academics oo minsan may mga pandarayang nangyayari, nandiyan yung kopyahan, minsan naman doktoran ng mga sagot. Natatawa na nga lang ako pag nababanggit ng professor namin na. "Oh yung mga nangdodoktor ng sagot diyan ah! Di pa kayo doktor kaya ayusin niyo lang!" napapailing at napapangisi nalang ako. Di naman kasi mawawala yun,  for sure kahit saan namang colleges and universities meron mga ganun,


Long Distance Love Affair (LDLA)


Anong masasabi niyo sa mga Long Distance Love Affair or also known as LDLA?

"Magandang gabi sa lahat muling nagbabalik ang inyong programa sa radyo na LDLA ang Lovely Lady Loving  Agnes at ako parin po ang nagiisang Lovely sa balat ng radyo na si La-la-la-lovely Agnes! ano pang hinihintay niyo tawag na..."

(nagring ang cellphone ni Jane na nakapatong sa lamesa)

"Hello Babe.. "

Ayan tumawag nanaman ang Boyfriend ko. Siguradong away nanaman ito. Di ko alam kung bakit ganun nalang ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko na nga ata siya mahal. Ang hirap kasi ng sitwasyon namin nasa malayong lugar siya. Isa kasi siyang Sea man. Ang pangako niya sakin na pagbalik niya ay papakasalan na daw niya ko, pero di ko naman pinaniwalaan yun eh, Limang taon na nakalipas di pa rin siya umuuwi. Napakahirap ng ganitong sitwasyon

"Anong ginagawa mo? Babe" tanong ng Boyfriend ni Jane. "Nakikinig lang ng radyo Babe" malungkot na sabi nito.

Wednesday, 24 April 2013

Martir Ka Ba?

"Oy Ineng... anu na? kanina pa nakasalampak yang kamay mo sa muka mo. Until now di pa rin ba kayo nagkakaayos ni Borg?"

Inilapag ni faye ang tray na may lamang pagkain sa lamesa.

"Oh eto oh. Kailangan mong kumain. Tingnan mo nga sarili mo muka kang zombie"

Pabirong sabi ni Faye sa kaibigan.

"Eh pano naman kasi hanggang ngayon di ko alam kung anong gagawin ko. Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Ayoko siyang bitawan, ayoko siyang pakawalan."

Seryosong sagot ni Dianne. Inalis ang kamay sa mukha. Halatang sobrang stress na siya sa kanyang problema.

"Jusme naman to. Alamo ako nagtitimpi lang ako diyan kay Borg na yan ah! Hiwalayan mo na kasi friend. Di niya deserve yang kagandahan mo. Stop being Martir na!"


My Super Fan Girl (MSFG)









Halata naman ang patuloy na Pagsikat ni Marcelo Santos III mula sa simpleng netizen ay ngayon isa na sa mga hinahangaan sa industriya ng CyberWorld Ilan lamang ito sa mga obra na kanyang ginawa. Isang napaka gandang storya na halos makakarelate ang lahat. Sa tulong ng Osto production team naipalabas ang kwentong sumasalim sa bawat kabataan sa mundo ng pagibig.Tara at Sabay sabay nating panuorin ang obra maestra ni Marcelo at ng Otso Productions kasama ang mga iilang kabataang sikat sa larangan ng cyberworld.

Y.O.L.O

Tuesday, 23 April 2013

NMAT

Well, still kinakabahan sa magiging resulta ng April 2013 NMAT exam. Kung ano man ang score ko tanggap ko na yun haha! seriously di talaga ako nakapag review ng maayos, at wala akong dapat sisihin kundi sarili ko kaya heto ako hanap hanap ng Medicine School na hindi nagrerequired masyado ng nmat percentage :) . Sabi nila 15 days daw ilalabas na ang result sa internet pero almost 15 days na ang nakalipas wala pa rin :( . Sobrang nag wo-worry na talaga haha! kasi kasi kasi! naman eh.

Kung ano man ang lumabas sa result ng NMAT life still go on. Kailangan ipagpatuloy ang pangarap sa buhay. Hooray! haha! pampa cheer-up sa sarili hehe. Oh by the way just want to share this little conversation in my twitter.