Saturday 27 April 2013

Mga Babae kasi : Usapang Lalake


*gabi. usapang lalake*
*sindi ng yosi*

*hithit*

*buga*

"Musta na, pare?" tanong ni Kian sa kaibigan.

"Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-muni. Nag-iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba." Seryosong sagot ni Chad.

*hinga ng malalim*

"Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit 'sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang
 bagay pagdating sa pagmamahal" <= Chad

*tingin sa stars*

"Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal? E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya? Ang feeling ng masaktan pag nabasted?" <= Chad





"Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap naten e. Ang alam lang ata nila e mamili, manakit, at magsaya. Tingin mo?" <= Chad

*tingin sa malayo*

Away Dito, Away Doon

Hindi naman nawawala ang mga ganitong bagay sa isang relasyon, Sabi nga ng iba kapag walang away sa isang relasyon ito ay boring, maraming dull moments, or ang pinakamasaklap ay malamang lamang naglolokohan lang kayo parehas. Madalas kasi sa mga ganitong sitwasyon tayo rin namang mga lalake ang susuko e. Dahil ayaw ng mga babae ng nakikipagtalo saatin. May isang desisiyon sila kapag yun ang sabi nila, ganun na yun wala ng papalitan pa. Hindi na niya kelangan magbigay ng kung ano anong expanation. Masaklap pa dun lalo pa silang nagagalit kapag nagpapaliwanag ka. Sa sitwasyon na ganyan imposible ka talaga manalo sa pagtatalo niyo.


"Lagi naman ganun. Una pa lang, lalake na ang naghihirap. Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte ang gagawin naten para masabi naten sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun? Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba? Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max." <= Chad

"Maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, pakakainin, pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang e pagsilbihan mo nang walang sahod. At ano ang kapalit? Well, depende sa trip nila." <= Dugtong ni Kian.

"Oo tol, sa trip lang nila. Wala silang pake kesehodang mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha naten, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo." <= Chad

Nagtanong Ka Na Nga Ayaw Pa Magsabi Ng Totoo

Yung tipong "Ok ka lang ba?" tas ang sagot "Oo Ok lang ako". Hindi naman kami manghuhula para malaman kung ano bang nararamdaman niyong mga babae. Kahit na alam naming may mali at may problema eh gusto talaga namin sa inyo nagmumula ang mga ganitong impormasyon. Kailangan din naman namin malaman kung ano nang nangyayari sa inyo. Yung tipong "Bakit ka ba galit? Ano ba nagawa ko?" tapos sasagutin ka ng "Ewan ko sayo! Dapat alamo kung anong ginawa mo." Magtatanong ba kami ng ganun kung alam namin. Hindi kami nangaasar at mas lalong hing kami nantritrip. Pano natin maayos ang problema kung sa simpleng ganun lang ayaw magsabi. Hindi hahaba ang away o ang pagtatalo kung isang tanong isang sagot lang ang sistema. Bakit kailangan hulaan namin? bakit ayaw niyo sabihin? Hindi ko magets bakit kelangan patagalin pa. Bakit kami sinasabi naman namin agad kapag may problema.


"Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan. Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo. Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na badtrip, iiling-iling, at minsan, luhaan." <= Kian

" Eh Wala naman tayong magagawa, marami silang alibi. "Hindi pa 'ko ready eh..", "Sorry pero I think we should just be friends..", "Ha? Uhhmm.. nagpapatawa ka ba? Hahahaha.." "Better luck next time na lang muna, okay lang?", "Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..", "Para lang kitang kapatid e..", yaddah yaddah. Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa 'yon para saten." <= Chad

*kuha ng bote ng beer*

*lagok* :-&

*lunok*

"At hindi lang 'yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon. Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle. Tayo daw ang mga lalake kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging devoted at faithful; tayo, tayo tayo." <= Kian

"Sila? Ummm? Teka, isipin ko." <= Ilang minuto nanahimik si Chad ang nagisip.

"Ayun. Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni. Ewan. Ganun ata talaga." <= Chad

*kuha ng bote ng beer*

*lagok*

*lunok*

"Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, edi okay. Pag may problema, kasalanan naten. Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun." <= Kian

*hinga ng malalim*

"Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila. Alam mo yun, iba tayo magmahal e. Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso. At kung magmahal man tayo, lubus-lubusan. Mas mature. Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal." <= Chad

*hinga ng malalim*

*tingin sa malayo ulit*

"At ito pa ang pinakamasaklap." <= Chad

*singhot*

"Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong 'to, either sawa na sila, hindi na tayo trip, may nahanap na silang better saten, o kaya they need f*cking space and time muna. Bad trip no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod." <= Chad

"At ano pa ang kasamang hassle don? Syempre wasak na ang imahe naten. Tayo ang lalabas na may kasalanan. Na playboy. Na nagpapaiyak." <= Chad

*iiling*

"Tayo siyempre ang mga antagonist at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak. Ang ending: mag-ooffer sila ng "friendship" kuno matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, "player" na ang image naten, at higit sa lahat, mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman makakatulog." <= Chad

"Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang naiiwan sa ere.
Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no?"  <= Chad

"Ako? Hindi ah! Eto. Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong hininga. Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok-lagok ng alak." <= Kian

ang mga babae talaga, oo...



Y.O.L.O




Would Like to thank Admeen Cheska and Maynard For sharing insight :D

No comments: