Friday 26 April 2013

Uy si Eks!




"San ka na? dito na ko sa loob ng super market second floor men shoes area." Inip na sabi ni Ryan sa kabilang linya.

"Nagpapark na kami bro mga 10 minutes.." Nakangising sabi ni Lito

"Sige Sige hintayin na lang kita dito" <= Ryan




Sino nga ba sila? Saan sila galing? Bakit nag-e-exist ang mga ganitong uri ng tao sa mundo?




Sabi Kuya wiki:
In social relationships, an ex (plural is exes) is someone with whom a person was once associated. As a prefix, ex- can refer to a variety of different relationships; for example, one might refer to a music group's ex-guitarist, or someone's ex-friend.[1] When used alone, exas a noun is assumed to refer to a former sexual or romantic partner, especially a former spouse. This often has a derogatory tinge, especially if it refers to unrequited feelings. -Wikipedia (Retrieve date: April 2013)


Naintindihan niyo ba?





Pero sabi nila kapag nakipag break ka daw sa karelasyon mo dun mo na siya pwede na matawag na "ex". So May ex ka na. Pero ex ka na rin niya. Eh di ex na kayo parehas. bale may posibilidad pala na lahat ng mga nakakasalubong mong tao eh sila ay ex na ng ibang tao sa mundo.


"Teka nga! lintek na! alamo pare naguguluhan ako sa mga pinagsasabi mo!" <= Huminga ng malalim si Carl at napakamot sa ulo.

"Teka papaliwanag ko sayo. Aaah miss size 11 nga nito". <= Iniabot ni Ryan ang sapatos sa babae upang hanapan siya ng size na kanyang sinabi.

"Nakita ko kasi kanina si Jen may kasamang lalake" <= Ryan

"And so? ano gagawin ko?" <= Carl

"Eh matanong ko lang ah. Ok ba kayo ni Jen after nung nagbreak kayo?" <= Ryan


"Ok ka lang!?" nanlaki ang mga mata ni Carl "Sa tingin mo ba ok kami parehas after nung moment ng break up? eh kung ikaw kaya makipagbreak ka sa gf mo sa tingin mo ok ka after ilang minutes. baliw to. Alamo tol walang ka sense.. sense yang mga pinagsasabi mo eh." <= Umupo sa upuan si Carl kung saan nagsusukat ng sapatos ang mga customer.


"Kalma lang" napangisi "to naman. Nagtatanong lang eh.." Umupo si Ryan sa tabi ni Carl. "What I mean pre eh naguusap pa ba kayo ngayon? Friends pa ba kayo?... Malamang friends kayo pero super awkward friends" nabitiw ng mahinang tawa si Ryan.


Kalimitan sa isang relasyon ay hindi na nila napapanindigan ang pagkakaibigan nila after ng breakup. Paano kasi nagiging awkward na ang lahat, Nagkakaroon ng ilangan sa isat-isa. Pero kung gugustuhin man nila maibalik ang dating friendship na meron sila malamang sa malamang matagal na panahon pa dahil masyadong emosyonal ang mga pangyayari pagkatapos ng isang breakup.


Naibabalik naman ang friendship ng isang relasyon na naghiwalay depende kung


1. Paano ba nagtapos ang isang relasyon.

2. Kung nakapag move on na kayong dalawa ng sapat upang maipapatuloy muli ang dating friendship.

3. May bago na kayong partner at parehas tanggap ang sitwasyon ng bawat isa.


"Kukunin ko na to Miss.. salamat" <= Ryan


"sige po sir samahan ko na po kayo sa counter" <= Sales Lady




"Nakamove on ka na ba pre?" <= Ryan


"Oo naman nuh.. Dalawang buwan na yun wala na yun" <= Carl


"wow ah!" sabay tawa "Eh bakit parang ampait ng nalalasahan ko" tumawa ulit. <= Ryan


"Letchugas ka! pwede ba tigilan mo ko" <= Inis na sabi ni Carl


Sabi ng mga ka-tweeter:


"Para sa Inyo sino ba si Ex? ano bang naging part nila sa buhay natin? is it good? or Bad? Share your thoughts tweetmates :)"


► For me, PAST is PAST PERIOD. HAHAHAHA - @XtianDaSuperboy


►it depends sa situation kung pano nag ending ang isang relationship.. ;) ex is lot of #experiences. -@msJfrey


► whatever happened in the past, don't take it to the present or future. take it as a lesson you need to learn :) let go. - @russeltubo





►Ex? sila ang buhay ko noon sila ang babawian ko ng buhay ngayon bwahaha. dejk wala lang ex? friends pa den kme d kame bitter ih - @KVNENRQZ






"Carl?"






Napalingon si Carl sa kanyang likuran dahil may tumawag sa kanya. Laking gulat nito na ang tumawag pala sa kanya ay si Jen ang ex-girlfriend niya at wala itong kasama.






"Hi.. ikaw pala.. k-kamusta na??" ngumiti at napakamot sa ulo.






"Eto ok naman, lapit na tayo grumaduate ilang araw nalang ikaw kamusta?"






"Aah heto nagpasama kasi si.." hindi natapos ni Carl ang kanyang sinasabi dahil biglang sumingit si Ryan.






"Hi Jen! sabi ko na nga ba nandito ka eh. Ikaw nga yung nakita ko kanina. Teka sino nga pala yung kasama mong lalake kanina?" tanong ni Ryan.






"Aaah siya ba. Pinsan ko si Marc nagpasama kasi ako bumili ng dress ko para sa grad ball natin." <= Jen






Napatingin si Ryan kay Carl.






"Aaah so saan kayo ngayon? kumain na ba kayo? gusto niyo sabay sabay na tayo?" <= Ryan






"Oo nga pala may bibilhin pa kasi kami Jen" Biglang singit Carl.






"Ay hindi Jen Ok na kami tapos na kami mamili. So kayo?" <= Pangungulit ni Ryan.






"Kakatapos lang din namin.." <= Jen






"So ayun naman pala medyo gutom na ko eh. Past 7 pm na oh" <= Napatingin si Ryan sa Relo niya.






"Sure sige tara.." <= Jen










Marahil naging malaki ang epekto ng mga ex natin sa buhay natin. Pero aminin natin na marami rin tayong natutunan sa kanila. Natuto tayong magmahal dapat handa tayong masaktan.


Nasaktan tayo ng dahil sa kanila pero sila rin ang dahilan kung kaya nagpapatuloy ka ngayon sa buhay mo. Pero may iba naman na sila rin ang naigiging dahilan upang wakasan mo ang buhay mo. Sila ang dahilan kung bakit matatag ka ngayon at asensado ka sa buhay mo. Sila rin ang dahilan kung bakit Naka kulong ka ngayon sa loob ng mga kalawanging rehas sa loob ng preso.






Kung tutuusin ilan lang sila na sobrang nakakaapekto sa buhay ng isang tao. Pero aminin mo ng dahil din sa kanila naramdaman mong kumpleto na ang buhay mo.






Naging parte sila sa buhay mo dahil nakatadhana ito sayo. Ikaw ang pumili sa kanila hindi ito basta basta ibinigay sayo.






magwakas man ang relasyon niyo pero may mga pagkakataon sa buhay natin na makakarinig ka ng ganito.










Uy si Eks!










Y.O.L.O







No comments: